Himala para kay Iza Calzado: Rebirth, another shot of life! 

#MAY himala! #SecondLife. Yan ang siguradong hashtag ng buhay ni Iza Calzado ngayon matapos magwagi sa laban kontra COVID-19.

Ayon sa aktres, napaka-meaningful para sa kanya ng Easter celebration ngayong taon dahil itinuturing din niyang “muling pagkabuhay” ang paggaling mula sa killer virus.

Aminado si Iza na patuloy pa rin siyang nakakaramdam ng anxiety attack at ng tinatawag na survivor’s guilt pagkatapos niyang magnegatibo sa COVID-19 at ito naman ang pinaglalabanan niya ngayon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Iza ng isang artwork kung saan makikita ang kanyang mukha na punumpuno ng pag-asa at pagmamahal.

“Rebirth. Happy Easter!!! This is the most meaningful Easter for me. Rebirth, another shot at life. 

“A deeper understanding of our interconnectedness, with God, fellow human beings, animals, Mother Nature. Every breath is a blessing. Love and Light to you all!” caption ng aktres.

Kasabay nito, ibinalita rin ni Iza ang tungkol sa bago nilang proyekto, ang Project Headshot Clinic, “This is a fundraising for chosen institutions that are directly affected by COVID-19 in the Philippines.”

 “Project Headshot Clinic believes that art can heal. And we are doing this small but impactful gesture to help heal our nation and hopefully the world through the beauty of ‘bayanihan’ (Community Action) and the power of art! This is #OneWorld2020 You may visit bit.ly/oneworld2020 to register!” mensahe pa ng aktres.

Kung matatandaan, inamin ni Iza na nagpositibo siya sa COVID-19 noong March 28 at makalipas ang halos isang linggo sa ospital, masayang ibinalita ng kanyang manager na si Noel Ferrer na magaling na siya. 

Handa ring mag-donate ng dugo ang aktres para makatulong sa ginagawang research sa paghahanap ng COVID-19 treatment.

Read more...