#WalangBalikan: James, Nadine may kanya-kanyang buhay na

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa tanong ng karamihan kung nagkabalikan na nga ba sina James Reid at Nadine Lustre.

Ito’y matapos ngang mamataang naggo-grocery ang aktres sa Merkado UP Town Center at Marketplace along Katipunan Avenue, Quezon City kamakailan.

Ang mga nabanggit na supermarket ay malapit sa posh subdivision kung saan nakabili ng malaking bahay si James na nagsilbi ring love nest  nila ni Nadine.

Maraming netizens ang nag-react sa nasulat namin at nagsabing hindi raw nagkabalikan ang JaDine dahil si James ay sa Bel-Air na nakatira ngayon kasama ang pamilya.

Pinadalhan pa kami ng isang JaDine fan ng video sa Twitter na nagluluto ang kapatid na babae ni James habang naghuhugas naman ng pinggan ang aktor.

Ang caption ni @sazzyrubie sa video, “Ayan nasa Bel Air si James doing the dishes kaya tigilan ang kakaimbento ng pagbabalikan.”

May isa pang video na hinihimas ng aktor ang alaga niyang aso, “Sa Bel-Air na po nakatira si James, FYI.”

Nagpadala rin ng isa pang video kung saan makikita naman si Nadine na nasa kusina at nagluluto,  “Busy din s’ya ipagluto sa condo n’ya ‘yung isa pang male friend na si Andrei.”

Ang nasabing guy ay nakaupo sa salas at kinukunan ng video si Nadine na ang suot ay ‘yung suot din niya nang mag-grocery siya.

Nabanggit ding may ibang lalaking kasama si Nadine noong nag-grocery siya base rin sa ipinadalang litrato sa amin ni @zazzyrubie.

“Meanwhile yung sinasabi mong ex ni James busy daw sa pag grocery sa UPTC kasama ‘yung male friend na si Lox. Ha ha ha ha.”

Anyway, kung sa Bel-Air na nakatira si James at sa Rockwell naman nakatira si Nadine ay magkalapit pa rin sila sa isa’t isa dahil pareho itong nasa Makati.

                   

Read more...