6 nag-swimming sa baywalk, tiklo

DINAKIP ng pulisya ang anim katao na naaktuhang nagsu-swimming sa

SRP Baywalk, Brgy. San Roque, Cebu alas-9 ng umaga ngayong araw.

Ani Col. Josefino Ligan, bagong talaga na hepe ng Cebu City Police Office, ikukulong nang 12 oras ang mga suspek bago palalayain. Isusunod na lamang ang pagsasampa ng kaso, dagdag niya.

Kinilala ang mga pasaway na sina

Sopio Talisik Jr., 46; Dominico Campos; Richie Ofril Cañete, 37; Genelyn Cabilao Esmeña, 32; Mark Umbao Galvez, 31, at Jesus Rondero, 31.

Kahapon ay inatasan ni Gov. Gwendolyn Garcia ang mga pulis na bantayan ang mga dalampasigan laban sa mga residente na magtutungo roon para ipagdiwang ang Easter.

“If you want to go and swim in the beach, stay underwater. Don’t even bother resurfacing otherwise I’ll have you arrested,” aniya.

Read more...