Diskriminasyon vs nahawa ng COVID-19, frontliners tutukan ng QCPD

MAHIGPIT umanong ipatutupad ng Quezon City Police District ang utos laban sa diskriminasyon sa mga nahawa at posibleng nahawa ng coronavirus disease 2019 at mga frontliner.

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo pinirmahan na ni Mayor Joy Belmonte ang Executive Order 26 kaugnay ng diskriminasyon sa mga COVID-19 patients at frontliner.

“Ngayong may karampatang parusa na ang diskriminasyon, umaasa akong magdadalawang-isip na ang sinumang nagnanais na gumawa nito,” ani Montejo.

Pinagbabawalan ang executive order na alisan ng access ang isang nahawa o posibleng nahawa ng COVID-19 at mga forntliners sa bahay, pagkain o transportasyon.

Ang mga lalabag ay sasampahan ng paglabag sa An Act Providing Policies and Prescribing Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics, and Health Events of Public Health Concern (Republic Act 11332), Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act at Revised Penal Code.

Sinabi ni Belmonte na lalo lamang lalala ang problema sa COVID-19 dahil sa diskriminasyon.

“Discrimination has no place in our city, especially during this time of crisis. We must put a stop to this once and for all,” ani Belmonte. “Ngayong may karampatang parusa na ang diskriminasyon, umaasa akong magdadalawang-isip na ang sinumang nagnanais na gumawa nito.”

Read more...