Christopher: Don’t worry, God is ready to eliminate this virus!

“ITO po ang purpose ninyo, to save lives!” Yan ang bahagi ng mensahe ng award-winning actor na si Christopher de Leon para sa mga bayaning frontliners.

Abot-langit ang pasasalamat ni Boyet sa mga medical frontliners ng The Medical City na nag-alaga sa kanya habang nagpapagaling matapos tamaan ng COVID-19.

Sa isang video, ipinaabot ng veteran actor ang kanyang pagsaludo sa mga healthcare workers dahil sa kanilang katapangan at dedikasyon sa kanilang tungkulin lalo na ngayong may health crisis.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga frontliner. Sa lahat ng mga pinapakita n’yong tapang, dedication sa inyong sinumpaan, to save lives, sa inyong kabayanihan, maraming salamat po,” simulang pahayag ni Boyet.

Pagpapatuloy pa niya, “To all the doctors, nurses, staff at ‘yung mga nagdi-disinfect ng mga areas, salamat po.

“When I was in the hospital, in Medical City, nakita ko ang inyong dedication, kindness, love, and compassion sa akin at I’m sure ganu’n din sa iba,” aniya pa.

Pahayag pa ng aktor, napakahirap ng kinakaharap na hamon ng mga frontliners kaya talagang maituturing silang mga bagong bayani.

“God said all things work together for good for those who love God and called according to his purpose. Ito po ang purpose ninyo, to save lives.

“Ito ang sinumpaan ninyo, so God will give all of you protection, wisdom, patience, knowledge, strength, courage. He will give you all of this.

“Don’t worry, God is ready to eliminate this virus. Thank you very much and God bless us all,” mensahe pa ni Boyet sa nasabing video.

Kung matatandaan, mismong si Christopher ang nagkumpirma noong March 17 sa pamamagitan ng Instagram na nag-positibo siya sa COVID-19 at makalipas ang mahigit isang linggo ay gumaling agad ang aktor.

Read more...