Kulong sa barangay official na gagawa ng kopya ng SAC

MAAARING makulong ang isang barangay official na gagawa ng kopya ng mga bar-coded social amelioration cards (SAC), ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Kasong administratibo at kriminal ang maaaring harapin ng isang barangay official na gagawa nito, ayon kay National Capital Region regional director Vic Tomas.

Maaari ring matanggal sa pwesto ang lalabag dito.

“Using SAC forms that are not originals is punishable by law and the barangay official can be removed from his position and jailed. We just need proof.” aniya.

Pinaalalahanan din nya na mga ‘legitimate forms’ lang ang dapat punan ng mga aplikante.

Ang SAC ay form para sa pamamahagi ng subsidy ng gobyerno sa bawat pamilya dahil sa epekto ng COVID-19 na naaayon sa Bayanihan to Heal As One Act.

Read more...