Melai Cantiveros pinalibutan ng ‘ipis’ ang b-day cake ng anak 

NALOKA ang mga fans and social media followers ni Melai Cantiveros nang makita ang birthday cake ng ikalawang anak niyang si Stela Rosalind.

Nitong nakaraang Biyernes Santo, nagkaroon ng simpleng celebration si Stela para sa kanyang 3rd birthday sa kanilang bahay.

Mismong si Melai ang gumawa ng cake ng anak at sa halip na Barbie Doll o mga Disney Princess ang inilagay niyang design sa birthday cake tulad ng nais ng karaniwang batang babae, mga litrato ng ipis ang kanyang ginamit. 

Ipinaliwanag ng TV host-comedienne sa kanyang Instagram account kung bakit ipis ang gustong makita ni Stela sa kanyang cake.

Chika ni Melai, “Pasintabi po sa kumakain sa design ng cake ng aming Baby @stelarosalind kasi na amaze tlaga cya baby pa lang cya sa IPis.

“Kaya itu nakaka happy sa kanyang bday at umattend din sila. Char lang! My Home Made without Oven Chocolate Powder cake, napagtagumpyan.

“Yehey 3 Yrs Old na aming Baby mahal. Good Health ang aming Prayer sa aming Steya pati sa buong mundo (abangan sa Youtube account nmin na Melasonofficial ang mga recipe ko sa bday at kng anu lng dn madukot sa kusina ) ang bday episode n!min sa aming vlog,” sey pa ni Melai.

Binati rin si Stela ng kanyang Ate Mela sa pamamagitan ng Instagram. Aniya, “To my beautiful little sister Stela, happy 3rd Birthday Stela. My extraordinary sister because at a young age you love dinosaurs, wild animals, insects as your toys and you have the talent to paint and color.

“Having a smart, fun and a very sweet little sister like you is truly a blessing. Happy birthday, I am happy to watch you grow. I love you so much!”

Si Stela Rosalind ang second child nina Melai at Jason Francisco. Ang panganay nilang si Mela ay 6-year-old na ngayon at lumalabas na rin sa Magandang Buhay sa mga espesyal na episode kasama ang anak ni Jolina Magdangal na si Pele at pamangkin ni Karla Estrada na si Jordan.

Read more...