ISANG buwan na ang baby nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amélia but until now, hindi pa rin nila ipinakikita sa publiko ang mukha ng kanilang first baby.
May pa-surprise or gimik siguro na gustong gawin ang mag-asawa. Siyempre, sayang naman kung basta na lang nila ipakikita ang mukha ni Baby Dahlia sa social media.
Sayang din ang milyun-milyong views, likes at kung anu-ano pang pwedeng pagkakitaan sa kanilang social media accounts. Can’t blame Erwan and Anne, yun naman kasi ang uso ngayon among cebrities. Kanya-kanyang gimik sa social media, di ba?
Tiyak marami na rin ang excited na makita ang result ng pinagsamang ganda ni Anne at ng kagwapuhan ni Erwan sa kanilang panganay.
Anyway, isa rin sa mga naging guest nina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano sa kanilang “One Voice Pilipinas” online fundraising project si Erwan.
Napag-usapan dito nina Matteo at Kean with Erwan, plus Kim Atienza, ang tungkol sa tattoo sa kanilang katawan.
Napansin kasi ni Kean ang tattoo ni Kuya Kim sa braso. Knows naman natin na isa si Kean among local artists na may mga tattoo, “Kuya Kim, ang ganda ng tattoo mo, ah. Kanina ko po siya tinitingnan.”
Sagot naman ni Kuya Kim, “Marami yan. Alam mo mag-isa siyang dumarami, e. Nagsimula yan isa lang.”
Pina-tattoo raw ni Kuya Kim sa kanyang katawan ang birthday ng mga anak niya, “Kaya hindi ko na nakakalimutan. But the most important date in my life…this is my wedding anniversary. Matteo, ipa-tattoo mo ‘yan,” na ang tinutukoy ay ang date ng kasal nila ni Sarah Geronimo.
“I was really, I was telling Sarah that. Sabi ko, ‘Love, can we put 2-20-20?” sabi ni Matteo. Pero hindi pa natatapos magsalita ang aktor ay biglang nagsalita si Erwan, “You should have that also inside your ring.”
“Yeah, I have that,” sabi ni Matteo kay Erwan.
Kwento naman ni Erwan, nagpa-tattoo raw siya sa New Zealand nu’ng ikinasal sila ni Anne. Pagkatapos ay hinamon niya si Matteo na magpa-tattoo na rin.
“(It’s) Your turn Matteo. Put Sarah’s face here,” sabay turo sa kanyang dibdib.
Pagkatapos ay tumayo agad si Matteo sa kanyang kinauupuan, “This is the first time I’m going to show this, okey,” ngiti ni Matteo.
Dito na ipinakita ng mister ni Sarah ang malaking tattoo niya bilang Philippine Army Reservist sa kanang hita, “I wanna see higher,” biro ni Erwan kay Matteo.
Kantiyaw naman ni Kean, “For nine million! Ha-hahaha!”
Pero di nagpadala sa kantiyaw ang mister ni Mrs. Guidicelli to show his legs in pubic.