Pooh nagpakain ng sundalo, pulis, gwardiya, grocery at drug store staff
SUNUD-SUNOD ang post ng komedyanteng si Pooh sa kanyang Instagram account ng mga litrato ng ipinapadala niyang pagkain sa iba’t ibang ospital at frontliners.
Ang hashtag na #foodforthefrontlinersproject ang laging naka-attach sa kanyang mga post sa IG na pinusuan at ni-like naman ng kanyang mga followers.
Ito marahil ang grupong pinangungunahan niya in helping our kababayans ngayong panahon ng krisis dahil nga sa COVID-19 pandemic.
In fairness kay Pooh, ang dami na pala niyang napadalhan ng pagkain hindi lang yung mga nasa ospital kundi pati na rin sa mga sundalo at pulis nating nagbabantay sa checkpoint, nga metro aide, secutiy guards, staff ng mga grocery at supermarket at pharmacists.
Naniniwala ang Kapamilya comedian na kailangan din ng mga ito ang moral support para mas mapalakas pa ang kanilang loob habang nagpapakabayani sa panahon ng krisis.
Ilan sa mga ospital na napadalhan na ng pagkain at PPEs ay ang Northern Samar Provincial Hospital (150 PPEs, 10 galons of alcohol and 500 pieces ng mask ang ibinigay niya sa tulong ng mga kaibigan niya from Singapore at Banana Sundae), St. Victoria Hospital, UDMC Hospital, Capital Alliance Hospital at Cardinal Santos Hospital (courtesy of Atayde family).
Pinasalamatan naman ni Pooh ang kaibigan niyang aktres na si Maja Salvador sa donasyon nito sa kanilang fundraising campaign para sa naapektuhan ng COVID-19 crisis.
Buong ospital daw sa south ang napadalhan nila ng pagkain mula sa tulong na ibinigay ni Maja.
Binanggit din ni Pooh ang mga pangalan ng mga ospital sa south na pinadalhan nila ng #foodforthefrontlinersproject kamakailan lamang.
Kasama na riyan ang Las Piñas Doctors Hospital, Las Piñas City Memorial Hospital, Ospital ng Parañaque, Parañaque Doctors Hospital at Medical Center Parañaque.
May your tribe increase Pooh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.