MAY plano ka bang pumunta ng beach para ipadiwang ang Easter ngayong araw? Huwag mo nang ituloy.
Ayon kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, inatasan niya ang mga pulis na bantayan ang mga dalampasigan laban sa mga residente na magtutungo roon para magliwaliw.
“Make no mistake, I have ordered our police in the province to monitor the beaches. I will be coming up (with) a separate EO (Executive Order) to arrest those who will be caught going to the beaches,” ani Garcia sa Cebuano.
“As I’ve said, if you want to go and swim in the beach, stay underwater. Don’t even bother resurfacing otherwise I’ll have you arrested,” dagdag niya.
Mayroon nang 34 kaso ng COVID-19 cases sa isla ng Cebu.
MOST READ
LATEST STORIES