Basher ni Liza supalpal kay Angel: What you’re doing is not helping

IPINAGTANGGOL ni Angel Locsin si Liza Soberano sa isang basher na sa halip matuwa sa ginagawa nitong pagtulong sa COVID-19 crisis ay inokray-okray pa.

Gumagawa na rin ng paraan ngayon si Liza pati na ang boyfriend niyang si Enrique Gil para kahit paano’y makapagbigay ng ayuda sa mga frontliners na patuloy na nagbubuwis ng buhay ngayong panahon ng krisis.

Nagtulong ang LizQuen kasama ang ilan nilang kapamilya sa pagpe-prepare ng relief packs para sa mga medical workers sa Philippine General Hospital.

Sa mga litratong naka-post sa social media makikita si Liza na nagre-repack ng pagkain kasama ang kanyang pamilya at ang boyfriend na si Enrique Gil. 

Pinuri ng kanilang fans ang LizQuen dahil talagang nag-effort sila para kahit paano’y makapagbigay sila ng tulong sa gitna ng health crisis. 

Pero may ilan pa ring netizens ang nangnega sa Kapamilya loveteam. Kinuwestiyon ng ilang haters ang sinseridad ng dalawa sa kanilang pagtulong.

May isang post naman sa Twitter si Liza na binasag ng hater. Sey ng dalaga, “What our people need now is emphaty not threats.” 

Comment naman ng isang nagmaas na netizen, “Ba’t dimu gayahin sina ate @143redangel (Angel Locsin) at @bernardokath (Kathryn Bernardo). Tumulong kana lang pa empathy empathy ka Lol.”

Sinagot naman agad ito ni Angel ng,  “FYI, Tumutulong si Liza. what you’re doing is not helping.”

Read more...