Tanggapan ng LTO-7 ginawang quarters ng mga doktor, nurse

IPINAGAMIT ng Land Transportation Office (LTO) Region 7 ang kanilang Malasakit Lounge at Duterte People’s Hall sa Cebu City Medical Center bilang pansamantalang quarters ng mga medical workers nito.

Pumasok sa memorandum of agreement sina LTO-7 Regional Director Victor Emmanuel Caindec, at CCMC Administrator Ma. Yvonne Feliciano.

Sa ilalim ng MOA, ang Malasakit Lounge at Duterte People’s Hall ay limitado lamang sa mga doktor at nurse ng CCMC.

Ang Duterte People’s Hall na nasa ikalawang palapag ng gusali ay mayroong 12 higaan at may sariling shower room at dressing room. Ang Malasakit Lounge naman sa ground floor ang magiging waiting area.

Bago pumasok ang mga doktor ay sasailalim sa sanitation protocol gaya ng foot bath at body disinfection at body misting.

Read more...