Ethel Booba kakasuhan ang poser sa fake Twitter account: Malinis ang kunsensiya ko

ETHEL BOOBA

NAGBANTA si Ethel Booba na ipahahanap at kakasuhan ang taong nasa likod ng pekeng Twitter account na gumamit sa pangalan niya ng halos walong taon.

Ito ang sagot ng komedyana sa isang YouTube user na nagtanong kung ano ba talaga ang tunay na kuwento sa fake na Twitter account, na may username na “IamEthylGabison.”

Nitong nakaraang araw, naging isa sa mga top trending topic sa Twitter ang announcement ni Ethel na ang Twitter account na nakapangalan sa kanya na may 1.6M followers ay fake.

Na-shock siyempre ang madlang pipol dahil sa ilang taon na lumipas at matapos umani ng milyong followers ay ngayon lang sinabi ni Ethel na peke pala ito. Ito’y sa kabila nga ng mga previous interview ng stand-up comedienne na ipino-promote ang nasabing account.

Sa latest YouTube vlog ni Ethel, sinagot niya ang ilang tanong ng isang Dan Lachica Jr. na nagtataka rin sa mga pinagsasasabibi ng komedyana.

Unang mensahe sa kanya ng netizen, “Hoy, address mo muna chika mo sa IG!” Na sinagot naman ni Ethel ng, “Maka hoy ka sino ka ba?”

Hirit ng netizen, “Di ka ba puedeng kwestyunin? Sagot muna, bago magmamaldita! Puede kang makulong for massive fraud if you don’t address the people you’ve profited from!”

Reply naman ni Ethel, “Proffited yan ang sinasabi ko di kayo ang niloko ng fake account na yan pati ako ginamit.

 “Wala akong pinagkakitaan kahit sino sa inyo sumobra na lang ang panggamit niiya pati current situation na meron tayo ginagawa nyang biro at ako ang nadadamay, sue if you want that’s what im gonna do pagkatapos ng quarantine papahanap ko kung sino man yang taong gumagamit sa name ko,” paliwanag ni Ethel.

Sagot ng netizen, “Thanks for the reply. Please elaborate na lang sa media. Your followers deserve an explanation. A long one to be specific.”

 “I have a clear conscience, whatever this persons intention its way beyond my control at sumobra na lang talaga siya,” tugon naman ng komedyana.

Pahabol ng YT user, “Pakipaliwanag din po na paano kayo nagamit [against your will ha] if you’ve promoted a book based on the activities on that Twitter account. Mahirap paniwalaan na nakapunta ka kung saan-saan and may ‘threat’ pala sa inyo.”

Sey sa kanya ni Ethel, “I’ll make a vid regarding this to clarify lahat kung san sya nagsimula at lahat ng questions nyo ill answer one by one.”

Sumikat ang sinasabing fake Twitter account ni Ethel dahil sa funny comments and hugot punchlines tungkol sa mga napapanahong issue, kabilang na ang politika. Dito, lahat ng tweets ay nagtatapos sa “charot”.

Maraming ispekulasyon ang mga netizens tungkol sa tunay na dahilan kung bakit biglang naging fake account ang nasabing Twitter page. Ayon sa ilang followers ni Ethel, baka raw nagkaroon ng issue sa pagita ni Ethel at ng administrators ng kanyang account.

Sa mga ngtataka why nawala ang @IAmEthelGabison na Twitter acct. ni Ethel Booba: Nag-away po si Ethel at mga admins/ghost writers nya sa PERA.

“PERA ang dahilan!

“Maypa-‘Ethel was silenced’ 2× pa kayong nalalaman,” comment ng isang netizen.

Read more...