Semana Santa 2020: ‘Quarantine Hugot’ ng mga Pinoy celeb

Pinoy celebrities

PAANO n’yo ginugunita ang Semana Santa ngayong taon? Nagawa n’yo  ba ang inyong mga plano para mas maging memorable at makahulugan ang inyong Holy Week?

Hanggang ngayon ay naka-enhanced community quarantine pa rin ang buong Luzon dulot ng COVID-19 pandemic at ang utos ng pamahalaan, manatili pa rin sa bahay para hindi na kumalat pa ang killer virus.

At sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo sa health crisis na ito, napakaraming natutunan at na-realize ng bawat Filipino tungkol sa kahalagahan ng buhay.

Narito ang saloobin at hugot ng ilang kilalang celebrities habang patuloy na dumarami ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa na nagresulta nga sa pagpapalawig ng ECQ sa Luzon.

ERIK SANTOS

“Nawala yung attachment ko sa material things. Kahit gaano kadami yung pera mo, kahit gaano kagaganda yung gamit mo, hindi mo naman magamit, kasi lagi kang nasa loob ng bahay.

“Na-realize ko, yung mas i-cherish mo yung relationships mo with your friends, relationship with your family. And then mas gusto kong mag-invest sa experience, sa magagandang experiences after nito.

 “Kapag nagdadasal talaga ako, parang sabi ko, pag yung mag-isa lang ako, parang sabi ko, nakikita ko yung mga materyal na nabili ko na, dami ko ngang damit, di ko naman magamit. Marami nga akong shoes, hindi ko naman masuot.”

ROBI DOMINGO

“Mas na-appreciate ko ‘yung mga trabaho ng ibang mga kapamilya natin like, for example, barbero. Hindi tayo makalabas ngayon, kating-kati na ‘yung ulo ko dahil ang haba na ng buhok ko. Actually ‘yung mga kasama natin sa bahay na parating nandiyan para sa ating lahat, mas na-appreciate ko ‘yung trabaho nila. Mas na-appreciate ko ‘yung value ng quality time sa pamilya.

“Sa panahon natin ngayon, kahit na mayroon kang pambili ng pagkain, hindi mo naman magagamit masyado kasi hindi ka pwedeng lumabas. Meron ka ngang kotse, hindi mo naman pwedeng mailabas para makapunta kung saan-saan. At the end of the day, na-realize ko na ang pinakaimportante sa lahat ay pamilya. Lahat ng bagay nawawalan ng value pero ang pamilya nandiyan forever.”

ANDI EIGENMANN

“This quarantine has made me realize how much time we actually spend outdoors as a family! I suddenly don’t know what to do with a big chunk of my time. I hold nature and the great outdoors in high regard because I am aware of it is able to teach my kids and the effect it can give them as they grow old.

“I believe that I wouldn’t learn to care so much for nature if I didn’t get the chance to make the most fun memories amongst it. And I just hope it will be the same for my kids.

“Don’t get me wrong though, staying optimistic is not difficult for us as a family, and we are still able to manage finding activities to do that are fun and safe! I hope you all are too.”

MANNY PACQUIAO

“Alam niyo ang pagiging isang mabuting lider sa mga panahong tulad nito hindi nakukuha sa pagiging magaling mag-Ingles.

“Ang importante dito na-feel mo ‘yung nararamdaman ng mga tao. Importante dito alam mo ‘yung pangangailangan ng bawat pamilya, ng bawat isa, ng bawat pamilyang nagugutom. ‘Yun ang kailangan dito.”

KRIS AQUINO

“PEOPLE WILL FORGET WHAT YOU SAID,

PEOPLE WILL FORGET WHAT YOU DID,

BUT PEOPLE WILL NEVER FORGET HOW YOU MADE THEM FEEL.

“Ngayon na uncertain ang panahon, lahat tayo may dalang kaba sa ating mga puso, seeing my panganay’s smile made me realize, when given the chance- let’s choose to love, choose to share, and choose to be kind.”

BIANCA GONZALEZ

“One important thing is definitely sharing and this is both sharing feelings and sharing material things. I just hope that the things that we learned… parang sana we never forget even mag-back to normal na ang lahat ng mga bagay.

“A prayer that I personally want to pray for us, our family and other families is, I guess, Lord, please help us to not ever forget the power of saying hello, how are you, saying thank you, saying sorry, saying I love you to people around us and acknowledging other people. And knowing that we are all here for each other.”

KARLA ESTRADA

“Huwag manghinayang sa pera na itutulong dahil kikitain mo rin yan. Pero ang buhay na pwedeng mawala dahil sa gutom ay hindi na maibabalik. Kaya bago tayo maging sakim at makasarili, isipin mo muna ng paulit ulit, paano kung tayo ang nasa posisyon nila? 

“Kaya kaibigan, tama na ang kasakiman at pagiging makasarili dahil one day babawiin lahat ng DIYOS sayo lahat ng mga blessings na yan kapag di ka marunong umunawa at mag share sa kapwa. LIFE IS SO SHORT..Sa dulo ng buhay natin Hindi ipagmamalaki ng mga tao kung ano mang material na bagay ang meron tayo kundi ang kung paano ka nakitungo sa kapwa mo.”

YENG CONSTANTINO

“Mare-realize mo na hindi kailangan na masyadong excessive. Parang okay lang pala na umiikot ang things, nabubuhay ako na ito lang ang ginagamit ko. Hindi pala kailangan na sobra-sobra. Parang nakaka-grateful na may enough ka.

“Ako, na-realize ko na ang ikli ng buhay, so dapat tayo parang mas ma-cherish mo how fragile life is at ma-appreciate mo na i-seize ang life mo to do good.” 

Read more...