Sharon: Ang hirap tumulong, kahit galing sa puso mo may kokontra pa rin

SHARON CUNETA

NAGPASALAMAT si Megastar Sharon Cuneta sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Angel Locsin laban sa mga bashers.

Napilitang ihayag ng Kapamilya actress sa madlang pipol na nag-donate si Shawie ng P3 million sa kanyang #UniteTENTweStandPH fundraising campaign para kontrahin ang akusasyon ng ilang netizens na wala itong ginagawa para sa mga naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Angel, ayaw nang ipaalam ni Sharon sa publiko ang kanyang pagtulong pero dahil apektado na siya sa pamba-bash kay Mega ipinamukha ni “Darna” kung gaano ka-generous ang singer-actress.

Nag-post ng mahabang thank you message si Mega sa kanyang social media account para kay Angel.

“Dearest Angel, You didn’t have to. But in truth, it’s sad that in times like these when we should all be coming together to help those in need, to those of us who do help, meron at meron ka pa ring maririnig na masasakit na salita.

“I know you were hurt for me kaya mo nai-post ito. Thank you, my Angel.

“And saludo ako sa yo sa walang hanggan mo at walang kapagurang pagtulong sa kapwa natin.

“Ang hirap din tumulong. Kahit galing sa puso mo, may kokontra pa rin. Pero sabi ng Diyos “Do not tire of doing good…”

“Sana magkaisa talaga ngayon. God is teaching all of us lessons through this pandemic.

“Maybe one of them is to be kind to one another and to help in every little way we can even though no one is praised.

“It’s unbelievable to me how mean some people truly are no matter what their fellow human beings may be going through.

“God sees. God knows. And HE is the only one worth ‘impressing.’

“Magkaisa na po tayo. Peace muna puede? Love you Angel.

“God bless you and all of us ‘artistas’ who are doing what we can to contribute.

“Also every single person who does the same kahit di artista. God bless the Philippines,” ang mahabang pahayag ni Sharon.

Read more...