TUMAAS ang singil ng Manila Electric Company sa kuryente ngayong Abril.
Ayon sa Meralco ang overall rate ng isang typical household ay tumaas ng P0.1050 kada kWh, o mula P8.8901/kWh noong Marso ay P8.9951/ kWh ngayong buwan.
Ito ay nagkakahalaga ng P21 pagtaas sa residential kustomer na kumokonsumo ng 220 kWh.
Nabawasan ang pagtaas ng generation charge, ayon sa Meralco, dahil sa Force Majeure claim nito bunsod ng Enhanced Community Quarantine na ipinatupad upang makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.
Mula sa P4.6632 kada kiloWatt hour noong Marso, bumaba ang generation charge ng P0.0247/kWh o P4.6385/kWh ngayong buwan.
Mas mababa ang rate ngayong buwan kumpara sa P5.6322/kWh na generation rate noong Abril 2019.
“Because of the significant reduction in power demand in its service area during the ECQ period, Meralco invoked the Force Majeure provision in its PSAs for the duration of the lockdown, reducing fixed charges for generation capacity that was not consumed. Without the Force Majeure claim, the generation charge would have increased by P0.0259 per kWh from last month’s rate,” saad ng Meralco.
Bumaba rin ang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng P0.9429/kWh bunsod ng pagganda ng suplay sa Luzon grid.
Ang singil ng mga Independent Power Producers (IPPs) ay bumaba rin ng P0.0965/ kWh. Ang pagtaas naman sa PSA charges ay nabawasan dahil sa Force Majeure claim ng Meralco na naitala sa P0.1696/kWh.
Tumaas naman ang Universal Charge rate ng P0.1050/kWh o mula P8.8901/ kWh noong Marso ay naging P8.9951/kWh ngayong buwan.
“The slight adjustment this month is not due to an increase in the cost of producing and delivering electricity, but mainly due to the Universal Charge returning to its normal level following a one-time refund of P0.1453 per kWh in Universal Charge-NPC Stranded Contract Costs (UC-SCC). Meralco’s invocation of the Force Majeure provision, however, helped temper the Universal Charge increase, reducing fixed charges for generation capacity that was not consumed.”