I-text kay Madam Sophia (August 09, 2013)

Mula kay Ramon ng …9443 ng Zamboanga City. October 15, 1995 ang birthday ko. Makakatapos kaya ako ng pag-aaral kahit na sa ngayon ay nahihirapan ako sa subject Math. Engineering ang course ko kaya balak ko ng mag-shift. Anong course ang bagay sa akin na siguradong makaka-graduate ako.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 15, 1995 higit na bagay sa iyo ang kursong may kaugnayan sa medesina, tulad ng Nursing, Physical Therapy, B.S. Biology, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang Accountancy, Management, Banking and Finance, Education at iba pang kauri nito. Sa nasabing kurso, walang duda, maluwalhati kang makakatapos hanggang tuluyang maka-gradueyt  at makapasa sa board exam.    
>>>
Mula kay Jane Zapanza ng Antique. April 22, 1971 ang birthday ko. Madam, lubog kami sa utang sa ngayon. Kailan kaya kami makakaahon sa kahirapan at mga pagkakautang?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 22, 1971, sa tulong ng isang Virgo o kaya’y Capricorn, sa susunod nataong 2014 sa edad mong 43 pataas, unti-unti na kayong makaka-ahon sa kahirapan, hanggang sa tuluyang makabayad sa mga pagkakautang.

Read more...