Megan tuloy ang paglikom ng donasyon; Rocco, Sanya, Ken sa ‘Jesus His Life’   

PATULOY na humihingi ng donasyon ang Kapuso leading lady na si Megan Young upang makapagbahagi ng personal protective equipment (PPEs) at masks sa frontliners sa provincial hospitals. 

Nagpasalamat din si Megan sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanyang fundraiser para sa mga naapektuhan ng COVID-19.

“Currently raising funds for batch 2! And thank you to everyone that helped for batch one! Let’s continue protecting our frontliners,” mensahe ni Megan.

Una nang nabahaginan ng tulong ni Megan ang mga ospital sa Olongapo at Bataan. Sunod namang makakatanggap ng PPEs at masks ang Limay Bataan RHU, Mariveles Mental Health Center, Lourdes, Barretto San Marcelino Medical Center, at Iba Provincial Health Center.

Katulad ng misis ni Mikael Daez, nag-organisa rin ng fundraiser ang Kapuso actress na si Shaira Diaz kasama ng kanyang mga kaibigan para sa healthcare workers. Ang Las Piñas General Hospital naman ang napiling beneficiary ng grupom

Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaari lamang bisitahin ang Instagram accounts nina Megan at Shaira. 

* * *

Isang espesyal na programming line-up ang handog ng GMA ngayong Semana Santa, simula Huwebes Santo (Abril 9), Biyernes Santo (Abril 10) at Sabado de Gloria (Abril 11).

Sa Huwebes Santo, tampok ang “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference” sa ika-5 ng umaga.

Sa hapon, mapapanood na ang “Jesus His Life: Joseph” featuring the voice of Rocco Nacino, at ng biographical religious drama na “Magdalena”.

Nandiyan din ang “Jesus His Life: John the Baptist” na bobosesan ni Benjamin Alves (5 p.m.); CBN Asia offering na “Wanda’s Wonderful World” na pagbibidahan ni Coney Reyes; at “Jesus His Life: Mary” na bibigyang boses ni Max Collins.

Kaabang-abang din ang kwento ni Moses mula sa Bibliya na “The Ten Commandments” sa gabi na susundan ng “Tunay na Buhay.”

Pagsapit ng Biyernes Santo, mapapanood pa rin ang “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference” sa umaga.

Gabay sa pagninilay naman ang mapapanood sa “Siete Palabras” simula ika-12 ng tanghali. Susundan ito ng “Jesus His Life: Caiaphas” na bibigyang boses ni EA Guzman.

Mapapanood ang pelikulag pinagbibidahan ng Perkins twins, kasama ang ibang mga bigating aktor pati na ang Hollywood star na si Stephen Baldwin na pinamagatang “Kaibigan” (3:30 p.m.); at susundan ng “Jesus His Life: Judas” with the voice of Martin del Rosario; “Suklob” ng CBN Asia tampok si Kristoffer Martin, “Jesus His Life: Pilate” na bibigyang boses ni Paolo Contis; at ang epic biblical drama film na “Son of God”.

Pagsapit naman ng Sabado de Gloria,  mapapanood ang huling bahagi ng “The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints April 2020 General Conference” sa ika-5 ng umaga.

Pagsapit ng 3 p.m., abangan ang “Jesus His Life: Mary Magdalene” na bibigyang-boses ni Sanya Lopez. Susundan ito ng “Jesus His Life: Peter” with Ken Chan.

Read more...