Walang trabaho darami, kaya wage subsidy inihirit

IPINANUKALA ng isang lady solon ang pagbibigay ng wage subsidy sa mga empleyado ng micro, small and medium enterprises upang hindi magsibak ng empleyado ang mga ito at matulungan na makabangon matapos magsara ang kanilang mga negosyo dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na maaaring magbigay ang gobyerno ng emergency wage subsidy sa mga MSME upang maiwasan ang malawakang tanggalan sa trabaho.

“The idea behind this proposed wage subsidy program is to preserve jobs as we help MSMEs keep workers to their payroll amid the challenges posed by the COVID-19 pandemic,” ani Herrera.

Dalawang buwan ang subsidy na ipinanukala ni Herrera.

“A payroll support for two months equivalent to the minimum wage by region is reasonable, but not for an extended period of time.”

Umaabot sa 99.52 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay MSME at sila ang employer ng 63.19 porsyento ng workforce sa bansa.

“We must understand that MSMEs generate most of the jobs for ordinary Filipinos and also they’ve got their share of GDP. And if only for the equity aspect of it, it will be critical to prop them up in difficult times, such as this ongoing coronavirus crisis.”

Ang ibinigay na tulong ay babalik din umano sa gobyerno kapag ipinambili ng empleyado ng produkto na may kaakibat na buwis.

Read more...