St. Lukes nanawagan sa COVID-19 survivors, magdonate ng dugo

NANAWAGAN din ang St. Lukes Medical Center sa mga survivors ng coronavirus disease o COVID-19 na magdonate ng dugo para sa pagtulong sa mga iba pang pasyenteng apektado ng sakit na ito.

Paliwanag ng St. Lukes, ang mga survivors ay may anti-bodies na sa kanilang katawan.

Kokolektahin ang plasma o ang likidong parte ng dugo kung nasaan ang mga anti-bodies. Tinatawag itong convalescent plasma.

Ang anti-bodies rich na dugong ito ay siyang itratransfuse sa taong may positibo sa COVID-19 bilang tulong sa treatment ng sakit na ito.

Sasagutin mg SLMC ang lahat ng gastusin para dito.

Una ng nanawagan ang Philippine General Hospital sa mga COVID-19 survivors para magbigay ng dugo.

 

Read more...