Abroad sa 2014 | Bandera

Abroad sa 2014

Joseph Greenfield - August 09, 2013 - 03:45 PM

Sulat mula kay Rene ng Barangay San Vicente Alto (Dagatan), Oroquieta City

Dear Sir Greenfield,

Isang kursong may kaugnayan sa pagbabarko ang natapos ko. Pero, hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Gayunpaman, patuloy pa rin ako sa paga-apply sa sa mga shipping at manning agencies.

Nawawalan na ako ng gana dahil lahat sila, ang sinasabi sa akin ay tatawagan na lang daw ako. Sir Greenfield, sa edad kong ito, may pag-asa pa kaya akong magkaroon ng regular na trabaho? Kung meron, kailan kaya ito magkakatotoo? Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko na walang ginagawa at maghapon na lang sa bahay. March 20, 1988 ang birthday ko.

Umaasa, Julius ng Davao City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Ayon sa guhit ng iyong palad, may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, pero hindi pa sa ngayon, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong buhay.

Cartomancy:

Jack of Diamonds, Nine of Diamonds, at Four of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon 2014 may mabunga at mabiyayang paga-abroad kang mararanasan, ngunit ngayong taon, tulad ng nakalipas na mga karanasan, pais-istambay ka pa rin hanggang sa sumapit nga ang taon 2014, na siyang pinaka-mapalad mong panahon sa career.

Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending