Jasmine, Robin sanib-pwersa sa COVID-19 mission; Bistek may ‘win-win’ hugot

NAPURNADA ang balak ni Jasmine Curtis-Smith na magbakasyon sa Australia ngayong Holy Week dahil sa kasalukuyang health crisis dala ng COVID-19.

      Eh, dahil tigil-taping din si Jasmine sa Kapuso series na Descendants of The Sun, inaabala na lamang muna niya ang sarili sa mga gawaing bahay at workout kasama ang DOTS PH co-stars!

     Kasama siya sa live workout session ng DOTS cast para kahit nasa bahay lang ay mapanatili nila ang pagiging fit and healty.

      Take note, kahit naka-quarantine sa bahay, bilang tulong sa frontliners, naghahanda siya ng mga pagkain halos araw-araw katuwang ang action hero na si Robin Padilla.

At sa halip na mag-celebrate nang bongga para sa kanyang 26th birthday last April 6, mas pinili ni Jasmine na mag-share ng blessings sa healthcare workers mula sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Philippine General Hospital, San Lazaro Hospital at Lung Center of the Philippines.

“Thought that it might be quite an uneasy time to be joyous for celebrations of birthdays and any anniversaries… instead of entertaining the blues and guilt I decide to add a little sweetness to our frontliners meals today care of the very generous and helpful people behind @mdbibingka,” ani Jasmine sa kanyang Instagram post.

“Maraming salamat po DJNRM, PGH, San Lazaro & Lung Center of the PH Hospitals for being of amazing service and making sacrifices during these challenging times.

“I celebrated yesterday with your victories these past few weeks of patient recoveries, may we celebrate more recovered cases soon.”

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya sa Australia at ang boyfriend na si Jeff Ortega, “Thank you to everyone for your sweet greetings and love on my special day.

“From family, friends, fans… and to all the ones that dropped by our IG live last night and sent over a message, maraming salamaaaaaat!”

      * * *                                    

Nananalaytay pa rin kay Herbert Bautista ang pagiging public servant kahit hindi na siya mayor ng Quezon City.

      Sa kanyang Facebook page, nakaisip siya ng puwedeng gawing ordinansa lalo na sa mayayamang local government units.

“Siguro para WIN-WIN sa lahat.

      “Dapat gumawa ng Ordinansa na magbibigay ng 25 % discount sa pabayad ng AMELYAR (Real property tax) at Business Tax.

      “Pero yung mga nagpaparenta, dapat magbigay ng nararapat na palugit sa mga nagre-renta,” pahayag ni Bistek.

      Umani naman ng likes ang post ni Herbert na kahit wala na sa posisyon ay tumutulong pa rin sa mga taga-QC sa sarili niyang paraan.

                                  

Read more...