ECQ violators dagsa; Kulungan umaapaw

SUMASAKIT na ang ulo ng mga pulis sa dami ng bilang ng mga lumalabag sa curfew at enhanced community quarantine sa Cebu City.

Iniulat ni Col. Hector Grijaldo Jr., hepe ng Cebu City Police Office, na umabot na sa 684 ang nadadakip nila simula nang ipatupad ang ECQ  noong 28.

Dahil sa dami ng nakakulong sa 11 istasyon ng pulisya sa lungsod, wala nang nagaganap na social distancing, dagdag ni Grijaldo.

Nasa 20 katao lang ang kasya sa bawat detention cell ng mga nasabing presinto.

“Walay luag nga jail, lahat occupied,” sabi ng opisyal. (There are no uncongested jails in the city now, all of our jails are occupied.).

Nangangamba si Grijado na lalong dadami ang tatamaan ng virus dahil sa dami ng mga nakakulong. 

Read more...