Ormoc City zero-COVID-19; Goma, Lucy sanib-pwersa kontra killer virus | Bandera

Ormoc City zero-COVID-19; Goma, Lucy sanib-pwersa kontra killer virus

Cristy Fermin - April 07, 2020 - 02:00 PM

TUTOK na tutok si Mayor Richard Gomez sa kanyang mga nasasakupan sa Ormoc City. 

Awa ng Diyos, habang sinusulat namin ang kolum na ito, ay wala pang nagkakaroon ng COVID-19 sa kanyang siyudad.

    Panay-panay ang pag-iikot ng kanilang mayor para magpaalala tungkol sa kahalagahan ng enhcanced community quarantine. Kasabay nu’n ang pagbibigay niya ng tulong sa mga pamilyang hindi nakapagtatrabaho ang padre de pamilya.

    Nasaksihan namin ang inabot ng mga taga-Ormoc nu’ng dumaluyong ang bagyong Yolanda. Pagbaba namin ng barge mula sa Cebu ay ang pantalan ng Ormoc ang mabubungaran.

    Grabe ang itsura ng kapaligiran, kinulot ng hangin ang mga bubong ng palengke, mula sa Ormoc hanggang sa makarating kami ng Palo, Leyte ay halos wala kaming nakitang bahay na hindi nasalanta ng bagyo.

    Bagsak pati ang malalaking gusali, parang mga laruan ang mga nagibang bahay dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin, kalunos-lunos ang inabot ng siyudad ng Ormoc nu’ng kalampagin sila ng kalamidad.

    Sanay na sa ganitong giyera ang mga taga-Ormoc, pagkatapos ng Yolanda ay ano pa ba ang makapananakot sa kanila, meron pa ba?

    Maraming salamat sa ginagawang pagtutok ni Mayor Goma sa kanyang mga kababayan, sa tulong ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres ay napapanatili nilang ligtas sa virus ang kanilang siyudad, huwag na sanang mabago pa ang sitwasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending