P102K shabu nasamsam sa buy-bust

KALABOSO ang 49-anyos na lalaki na nahulihan umano ng P102,000 halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.

Si Jose Conrado Sabarre, ng Malvar st., Project 4, ay nasakote sa buy-bust operation ng Kamuning Police.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya alas-6:20 ng gabi sa tapat ng Mercury Drug Store sa kanto ng Kamuning Rd., at Shiangio st., Brgy. Kamuning.

Narekober umano sa suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at mga drug paraphernalia.

Samantala, naaresto naman si Darwin Serrano, 26, construction worker, at ng Marang st., Brgy. Quirino 2-B alas-5 ng hapon kahapon.

Nakumpiska umano sa suspek ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Read more...