INIHAYAG ni Inter-Agency Task Force ((IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na tatanggap ang frontline government health workers ng one-time Special Risk Allowance (SRA).
Ito’y matapos na aprubahan ang Administrative Order number 28.
“Itong SRA ay ibibigay po sa mga public health workers o PHW na nagatatrabaho sa gobyerno, GOCC, o LGU, tulad ng mga nars sa government o city hospitals. Ang qualified po dito ay civilian employees occupying regular, contractual, casual, or part-time positions at workers engaged through Contract of Service (COS) or Job Order (JO),” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na sakop din ng benepisyo ang mga barangay health workers, na nakatalaga sa mga ospital at iba pang healthcare facilities.
“Those qualified will be entitled to 25% to 100% of their monthly salaries depending on the number of days they physically report for duty,” ayon pa kay Nograles.