UMAKYAT na sa 3,660 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng 414 na bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).
Nakapagtala naman ang DOH ng kabuuang 163 nasawi matapos na 11 pasyente ang pumanaw sa deadly virus.
Samantala, siyam na pasyente naman ang gumaling, dahilan para umabot na sa 73 ang mga nakarekober.
Isinusulong ng gobyerno ang dalawang linggong extension ng lockdown sa Luzon na magtatapos sa Abril 12.
MOST READ
LATEST STORIES