Sharon may pa-tribute ‪sa 2‬ Darna; bashers basag na basag

BINIGYANG-PUGAY ni Megastar Sharon Cuneta ang dalawang tunay na “Darna” na maaasahan ng mga Pinoy sa oras ng pangangailangan.

Mga totoong superhero ang turing ngayon ni Sharon kina Marian Rivera at Angel Locsin na patuloy na naghahatid ng tulong at ayuda sa mga apektado ng COVID-19.

Mula nang magsimula ang enhanced community quarantine sa bansa, naging aktibo na sa pagtulong sina Marian at Angel sa pagbibigay ng pagkain at medical supplies sa mga pamilyang Pinoy at frontliners.

Parehong gumanap na Darna sina Marian at Angel sa TV version nito sa GMA 7 ilang taon na ang nakararaan habang si Sharon naman ay nag-cameo bilang Darna sa 1988 superhero movie na “Captain Barbell” nina Herbert Bautista at Edu Manzano. 

Ayon kay Mega, pinatunayan lang nina Angel at Marian na hindi lang sa TV ang pagiging superhero nila kundi pati sa tunay na buhay. 

Ipinost ni Sharon sa Instagram ang throwback Darna photo niya katabi ang litrato ni Angel na nakasuot din ng Darna costume. 

Caption ni Mega, “Your two Darnas love you, our frontliners. Maraming salamat po!” Reply naman ni Angel sa kanya, “Ate (tatlong heart emoji)!” 

Bukod dito, ibinahagi rin ni Sharon ang Darna photo ni Marian na may mensaheng, “Heto pa ang isa niyong Darna! Nagluluto at nagpapack ng menudo and rice for our Frontliners! Inaanak ko pa sa kasal yan!” Na sinagot ni Marian ng, “Hugs Ninang!”

Samantala, sinagot naman ni Mega ang mga netizens na namba-bash sa kanya ngayong panahon ng krisis.

“Hindi niyo po ako kilala. Wala po kayong alam sa ginagawa kong pagtulong sa kapwa, mula pa noong binibigyan na ako ng Daddy ko ng chance na humawak ng konti sa mga kinikita ko nung 16 pa ako. 

“‘Di lang po ako mahilig mag-anunsyo dahil sa langit ako nagdedeposito. Hindi ko rin kailangan ng puri kasi alam ko na pong napakabait ko,” aniya.

Kailangan lang mag-announce ng pagtulong minsan tulad noong nag-donate ako ng P10 million noong tumama ang Yolanda, para humingi pa ng mas maraming tulong at ipakita na hindi lang kami hanggang hingi kundi tumutulong lang. Baka when I die magulat pati ang mga anak ko. God bless us all. Keep safe po,” dagdag pa ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.

Pakiusap pa niya, “We all have to stand united para matuwa si Lord at tapusin na ang virus.”

Read more...