2 lalaki huli sa shabu

KALABOSO ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na drug operation sa Quezon City.

Naaresto ng Masambong Police si Julius Ado, 27, ng Brgy. Bagong Pag-asa, ala-8:20 kagabi.

Isang tip ang natanggap ng pulisya kaugnay ng iligal na transaksyon sa Madrigal st., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pagasa. Narekober umano sa kanya ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,200.

Nahuli naman ng Batasan Police si Alfonso Sidiaco, 34, ng Brgy. Pasong Tamo alas-5:30 ng hapon kahapon sa Area 7, Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit.

Narekober umano sa kanya ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Read more...