Ordinansa para sa mandatory na pagsusuot ng face masks hiniling ng DILG

HINIMOK ng Department of Interior and Local Government ang mga local government units na magpasa ng ordinansa para sa mandatory na pagsusuot ng face masks ng kanilang mga residente kapag nasa pampublikong lugar bilang bahagi ng patuloy na paglaban ng coronavirus disease 2019.

“We must be vigilant. Hindi biro ang coronavirus na ito kaya hinihikayat ko ang mga LGU na tiyakin na ang kanilang mga kababayan ay laging nakasuot ng face mask kapag sila ay lalabas sa pamamagitan ng pagsasabatas ng ordinansa ukol dito. This is our small way of ensuring that the virus will not spread,” ani DILG Sec. Eduardo Año.

Sinabi naman ni Año na hindi kailangang N95 o surgical mask ang isuot at maaari ang improvised o hand-made face masks.

Ayon kay Año pinaplano ng World Health Organization at Centers for Disease Control and Prevention ng Unites States of America na baguhin ang polisiya nito kaugnay ng paggamit ng facemask.

Noong una ay inirekomenda ng WHO na ang gumamit lamang ng facemask ay ang mga taon may COVID-19 symptoms at heath care workers.

“Despite the fact that people generally are staying at home, hindi pa rin naman natin maiiwasan na minsan ay lumabas sila para bumili ng pagkain at ibang essentials at maaari itong maging pagkakataon para maipasa ang virus kaya lubhang napakahalaga ng pagsusuot ng face masks,” ani Año.

 Sinabi naman ni PLtGen Guillermo Eleazar na ngayon ay maaari lamang pagsabihan ng mga pulis ang mga walang suot na facemask kaya kailangan ng ordinansa upang magkaroon ng batayan ang mga pulis na arestuhin ang mga ito.

Read more...