Maymay, Edward may inamin sa estado ng relasyon: Sana po maintindihan n’yo kami

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

“SANA po maintindihan n’yo kami!”

Ito ang mensahe ni PBB Lucky Season 7 big winner Maymay Entrata sa lahat ng fans nila ni Edward Barber.

Habang naka-enhanced community quarantine ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic, maraming realizations si Maymay about life, kabilang na riyan ang tungkol sa kanila ng ka-loveteam na si Edward.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Maymay ang kanyang message sa lahat ng MayWard fans. Dito, sinagot din niya ang lahat ng paulit-ulit na nagtatanong kung posible bang maging magdyowa sila ni Edward in the near future.

“Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along with our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship. Sana po maintindihan niyo po kami,” simulang pahayag ng Kapamilya young actress.

Siniguro naman ng dalaga na kahit hindi niya boyfriend, walang magbabago sa kanilang friendship at magkasabay pa rin nilang aabutin ang kanilang mga pangarap sa buhay at showbiz career.

“Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young, and there is so much more we want to achieve in our lives,” lahad pa ni Maymay.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Pareho po namin na-realize na being best of friends will even more beneficial for us. Mas kumportable kami makakapagtrabaho. 

“Wala pong pagbabago. Kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with, than each other,” sey pa ng dalaga.

Sa huling bahagi ng IG post ni Maymay, siniguro rin niya na patuloy pa rin nilang mamahalin at pakikiligin ang milyun-milyong MayWard fans all over the universe.

Samantala, mababasa rin sa IG page ni Edward ang nasabing mensahe.

Nagsimula ang friendship at loveteam nina Maymay at Edward sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 kung saan nga itinanghal ng big winner ang young singer-actress.

Read more...