Personal appearance ng mga GSIS pensioners pwede na online

MAAARI nang gawin sa online ang personal appearance requirement o Activation of Pensioners Information Revalidation (APIR) hanggang Mayo 15, 2020 bilang konsiderasyon sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na hindi na kailangang magtungo sa tanggapan ng GSIS ang mga old-age at survivorship pensioners na isinilang sa buwan ng Marso hanggang Abril at hindi pa nakapag-comply noong Marso 2020.

Idinagdag ni Macasaet na pwede na itong gawin sa pamamagitan ng email. 

Ang liham na nagre-request ng activation ng status ay kailangang may date of request at detalye ng kumpletong pangalan, address, contact numbers ng mobile o landline at lagda, ayon kay Macasaet.

Dapat ay naka-attach din ang photo ng UMID o eCard Plus card o temporary card. 

Kung hindi naman available, maaari din na litratuhan na lang ang dalawang valid Identification cards.

Kailangan ding may ‘chest-level photo’ na may hawak na diyaryong nakikita ang headline at date of publication, o kaya ay photo background na may TV news crawler na may current news headline at petsa na kasabay ng petsang nakalagay sa letter of request. 

I-send ito sa designated email address kung saan nakatira: gsiscares@gsis.gov.ph (sa residente ng NCR kabilang ang Quezon City at buong lalawigan ng Rizal at Cavite); gsisnorthluzon@gsis.gov.ph (para sa taga North Luzon); gsissouthluzon@gsis.gov.ph (para sa taga South Luzon;gsisvisayas@gsis.gov.ph (sa Visayas ) gsismindanao@gsis.gov.ph ( para sa Mindanao). 

Read more...