Matteo, Jericho sarap na sarap sa pinuntuhang massage clinic: Ang lalakas nila!

NAGKAROON ng “semi-reunion” ang dating all male group na The Hunks sa “One Voice” online  fundraising concert nina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

     Ang Hunks ay binubuo noon nina Piolo  Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Jericho Rosales.         

      Nakatsikahan nina Matteo at Kean ang grupo except for Carlos na huli na raw niya nakuha ang message kaya siya lang ang wala sa grupo. 

      Prior sa Hunks reunion, nauna nang lumabas si Piolo kina Echo, BJ and Diet sa “One Voice”. Naikuwento ni Papa P na kasama niya sa kanyang resthouse sa Batangas ang kanyang Mommy Amelia, his sister at dalawang family friends habang naka-quarantine.

    Hindi naman nabanggit ni Piolo ang anak niyang si Iñigo Pascual kung kasama rin niya sa kanyang resthouse. Well, we guess, kasama  naman siguro ni Iñigo ang kanyang mommy. 

    Bukod sa family and friends, kasama rin daw ni Papa P sa Batangas ang kanyang driver na umalis muna para bumili ng stocks nila sa resthouse.

     Day one pa lang ng enhance community quarantine (ECQ) ay nandoon na raw sila. Nabanggit din  ni Piolo na under construction ang resthouse niya kaya may mga lumuluwas sa bayan to buy the materials.

    May pa-game naman sina Kean at Matteo tungkol sa “pinaka” ng The Hunks. Isa sa tanong ay kung sino ang may pinakamaraming ex  among them.

     “Nanonood ng live si Kim,” depensa agad ni Echo. Ang Kim na tintutukoy niya ay syempre pa, walang iba kundi ang misis niyang si Kim Jones.

      Si Diet naman ay “pormal na pormal” ang suot kumpara sa tatlo na naka-long sleeves na polo pero naka-shorts lang.

    “Well, today we coordinate with, we’re very much actively coordinatjng  with the Philippine Coast Guard. I think, we’re also actively participating with Philippine Army. We do a lot of coordination with the Army. 

“We do a lot of coordination, pagdi-distribute ng ibang medical equipments and supplies. Of course, hindi tayo gaanong lumalabas ng bahay. So, spend most of the time sa bahay learning new things. Marami tayong natututunan ngayon. Painting minsan,” pahayag ni Diet.

    Ang daming nag-flashback na memories kina Diet, BJ, Echo and Piolo when they were asked by Matteo and Kean ng mga “pinaka” ng dati nilang grupo. 

     Pero sa rami ng memories nila, they’ve realized na wala silang movie na ginawa as Hunks. Although, nagkaroon sila ng sitcom kung saan nakasama ang struggling star pa lang noon na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na Pia Romero pa ang screen name.

     Say ni Piolo, “We always wanted  (to have a movie). We always attempted to… I don’t know.”

    “Meron na. Meron. Hindi ba nasabi sa inyo? Sige, after ma-lift  ang lockdown, we should have a get together. Pero siyempre, yung mga nakilala namin ngayon, dapat maging involved din kayo,” sabi naman ni Diet.

   Anyway, napag-usapan naman nina Matteo at Echo ang grupo nu’ng nagkasama sila sa isang massage clinic sa Alabang. 

   “Echo, we should bring the three of them to the massage we went last time. Oh, wait let’s explain it properly. Okay, there’s this massage place me and my friend goes to. It’s the best massage ever. The name of the place is kinda…Dude, Echo, tell them please,” pakiusap ni Matteo. 

   In-explain naman ni Echo ang gustong sabihin ng mister ni Popstar Royalty Sarah Geronimo

    “It’s called Dancing Light. Basically, dalawang babae  bubuhatin ka nila and from the moment mag-start you will never touch the ground until you finishes. Ang lalakas nila, ang gagaling nila. Saka lahat ng buto sa katawan mo na hindi nagka-crack, magka-crack,” kwento ni Echo.

     Naku, knows ba ni Mrs. Sarah Guidicelli ‘yan?

 

Read more...