Wanted sa frustrated murder arestado

ARESTADO ang 39-anyos na lalaki na wanted sa tangkang pagpatay sa Quezon City kanina.

Si Jefferson Gacayan, walang trabaho, at ng Virginia st., Brgy. Gulod Novaliches, ay inaresto sa Kamuning Rd., alas-12:15 ng hapon.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ralph Lee ng Regional Trial Court branch 83 ng Quezon City sa kasong frustrated murder.

Itinakda ng korte sa P200,000 ang piyansa sa kaso.

Read more...