Kelot kulong sa pekeng alkohol

KALABOSO ang 36-anyos na lalaki na nagbebenta umano ng pekeng alkohol sa Quezon City.

Ayon sa ipinadalang ulat ng Quezon City Police District kanina, naaresto si Charlie Cabrales, 36, ng 106 Committee st., Area C, Talanay, Brgy. Batasan Hills, alas-11:30 ng gabi noong Huwebes.

Siya ay naaresto ng mga operatiba ng Batasan Police station at District Intelligence Division sa buy bust operation.

Nakumpiska umano sa kanya ang 1,000 piraso ng puting galon na walang laman, pitong drum ng ethanol, walong kahon ng pekeng alkohol, apat na galon ng pekeng alkohol, apat na drum na walang laman at mga gamit sa pag-repack at paggawa ng alkohol.

Read more...