DEAR Atty.:
Live-in po kami ng kasama ko, may dalawa kaming anak. Sa kanilang birth certificate, apelyido ng tatay nila ang kanilang gamit tapos nakadeklara sa kanilang birth certificate na married kami. Pero sa totoo lang di pa kami kasal nang isilang sila.
Pero balak na po naming magpakasal ngayong taon na ito. Pag nakasal na kami, pwede po bang hindi na namin ipabago ang birth certificate ng mga anak namin? Salamat po. – Leina, 32, Pasay City
Dear Leina:
Ang mga anak ng isang babae at lalake na hindi kasal ay mga “illegitimate children”. Kahit pa inilagay ninyo sa kanilang mga birth certificate na kayo ay kasal, at hindi naman pala totoo, hindi mangangahulugan na magiging legitimate children sila.
Kahit kayo man ay magpakasal na ng inyong live-in partner, hindi otomatikong magiging “legitimate children” ang mga bata.
Ang tanging paraan upang maging legitimate children ang inyong mga anak ay mula sa Petition for Adoption na isinampa sa Regional Trial Court ng Pasay City.
Samantala, yung sinasabi naman ninyong pagpeke sa entry ng mga impormasyon sa birth certificate ng inyong mga anak ay isang probelma. Isang krimen ang mag-peke ng mga ‘entry’ sa birth certificate. Dahil ang mga naka-sulat sa birth certificate ay sinumpaan ninyo “under oath” na dapat aya pawang katotohanan lamang. Perjury ang kasong tawag diyan. — Atty.
Dear Atty.:
Ask ko po sino ang mag file ng kaso ng bigamya laban sa akin. kasi dalawang beses na akong ikinasal, ang dati kong asawa ay kasado na rin sa iba. Di ba walang kaso kung wala namang mag file ng kaso? Salamat po. — Ngitreb, 60, Tagum City
Dear Ngitreb:
Ang bigamy/bigamya ay public crime. Kahit sino pwedeng mag-file. Pwede itong i-file ng dati mong asawa, pwede rin ng prosecutor.
Ang kailangan na ebidensya ay certified true copy ng dalawang marriage contract na inyong nilagdaan, na makukuha sa Civil Registrar o sa National Statistics Office. — atty.
Dear Atty Fe:
Problema ko po ay tungkol sa asawa ko. Ang ginagamit nyang b-day ay Jan.16, 1978, simula pa nung bata sya. Pero nang kumuha siya ng NSO copy ng birth cer tificate niya, nalaman namin na ang birth date niya ay Jan.15, 1977. Ano po ang dapat naming gawin. — ED, Iloilo City
Dear Ed:
Dalhin ang birth certificate ng inyong asawa, at mag-apply ng “Correction of Clerical Error in Birth Certificate” sa Civil Registrar kung saan siya ipinanganak.
Hindi na kailangan ng Court Order mula sa Regional Trial Court. Merong libre na forms na pipirmahan ang inyong asawa sa “Correction of Clerical Error in Birth Certificate”. Magbayad po ng fee/s ng Civil Registrar.
Editor: Mababasa ang Ibandera ang Batas ni Atty. tuwing Miyerkules at Biyernes. Kung merong nais isangguni, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 0 09277613906