NAG-POST si Justin Pitt sa Instagram ng first picture ng misis niyang si Cristalle Belo after giving birth with matching pasilip sa kanilang baby.
Makikita sa photo si Cristalle habang nagbi-breastfeed sa kanyang first baby girl na kita ang makapal at malagong black hair sa likod ng ulo.
Sa caption ni Poshie Justin sa kanyang IG post, inilahad niya ang kanyang paghanga sa ina ng kanilang second baby.
Say ni Justin, “The truly amazing women in my life, my heart is full. @cristallebelo braved the entire delivery process alone as I waited outisidw the delivery ward to observe quarantine restrictions and protect our brave Doctors and Nurses.”
Inilarawan din ni Justin ang hitsura ng baby girl nila ni Cristalle, “Our beautiful 6 pound 11 ounce girl entered the world with eyes wide open and crying loudly, I might be in for some trouble down the line.”
Pinasalamatan din ni Justin ang mga doktor na magpaanak kay Cristalle sa Makati Medical Center.
“Thank you to @martinpmanahanmd our OB and the brave team who assisted, this gift would not of been possible without your help and dedication,” message pa ng asawa ni Cristalle.
Nagpasalamat naman ang ina ni Cristalle at kilalang beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo sa mga tumugon sa panawagan niyang ipagdasal ang safe delivery ng kanyang anak.
“Thank you to everyone who prayed with me for my baby Cristalle’s safe delivery,” post ni Dra. Vicki.
Siyempre, ang daming nag-congratulate kay Dra. Vicki sa comment section ng Instagram niya including KC Concepcion.
Sa text message naman sa amin ni Dra. Vicki nu’ng Miyerkules, wala pa raw official name ang baby ni Cristalle.
“Daming pwede. I’ll let you know pag sure na,” ayon pa kay Dra.
Vicki.
Tinupad naman niya ang pangako niya sa amin when we received a text message from her last Thursday night.
Tinext sa amin ni Dra. Vicki ang name ng baby girl nina Cristalle at Justin, “Not sure but name is probably Siena Victoria Pitt.”
Siyempre yung second name ng bagong baby girl ng mag-asawang Pitt na Victoria ay ang first name ni Dra. Vicki.
Tinanong namin ang misis ni Hayden Kho kung yung “Siena” ay pangalan naman ng kanyang son-in-law’s mom.
“It’s the name of Justin’s favourite Tuscan town. He loves Italy,” sagot ni Dra. Vicki.
Remember, Justin and Cristalle got married sa napaka-romantic na Lake Como in Italy.
Anyway, nag-live naman sa kanyang Instagram account si Dra. Vicki para sagutin ang mga katanungan ng mga kababayan natin tungkol sa coronavirus 2019 last Friday.
With her ay ang expert na si Dr. Guinevere Dy-Agra, Director of the Institute of Pulmonary Medicine ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.