Piolo nanawagan sa madlang pipol: Ipagdasal natin ang isa’t isa 

NATURE-TRIPPING ang pinagkakatuwaan ngayon ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual sa kanyang resthouse sa Batangas.

Doon na inabutan ang binata nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 crisis. Hindi lang namin sure kung kasama niya roon ang anak na si Inigo Pascual.

Panay ang post ni Piolo ng mga picture ng nature sa kanyang Instagram account na umaani ng maraming likes at comments.

“I’ve never seen the island of Mindoro so clean from a distance…the seas have been quiet the last few days and air is much clearer…time to reflect and really listen,” caption ni Papa P sa picture ng color blue ocean na kanyang ipinost.

Tulad ng iba, hinikayat din niya ang mga Pinoy na manalangin at manatili lamang sa loob ng bahay para hindi na kumalat pa ang virus.

“Pray for each one, everyone ….please stay indoor for your sake and everyone  around you… we can do this…(shoulder muscle emoji at Philippine flag emoji),” mensahe ni Papa P.

Isa sa mga unang nag-comment sa IG post ni Piolo ay si Dra. Vicki Belo.

Comment ni Dra. Vicki, “This is how God intended it to be. Sooo beautiful.”

Proud naman na sinabi ng dating child star and singer na si Rhap Salazar, “My hometown.”

Pansin naman agad ng netizens ang isa pang post ni Piolo kung saan may kasama siyang babae sa picture na may caption na, “My princess.”

May nag-comment na kamukha ni Abby Viduya (Priscilla Almeda) yung girl. May nagtanong din kay Papa P kung pamangkin niya ang kasama niya sa photo. Pero mukhang walang nagduda na girlfriend niya yung girl, huh!

Naisip siguro ng netizens na sobrang bata naman ng babae para kay Papa P.

In fact, may nag-isip agad na anak ni Papa P ang kasama niya sa photo gaya ni @claudiadesilva na nagkomento ng, “Beauty like her Daddy.”

Say naman ni lhoppy_07, “Ngayon ko lang nakita anak mung (mo).”

May nag-reply naman na isa pang netizen sa comment ni lhoppy_07 at sinabing pamangkin, at hindi raw yun anak ni Papa P.

Tila minamadali na ng ilang fans  na magkaroon ng kapatid na babae si Inigo, ha. But of course, bago ang isa pang anak, need munang magka-girlfriend o asawa ni Papa P, di ba? 

Read more...