Leni kinampihan ni Digong; PACC commissioner Luna sinibak

SINIBAK ni Pangulong Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna matapos nitong imungkahi sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Vice President Leni Robredo dahil sa umano’y tila pakikipagkompetensiya nito sa gobyerno sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Luna, tila minamaliit diumano ni Robredo ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang pandemic.

Tinatayang nakalikom ang Office of the Vice President ng may P36 milyon para pambili ng mga personal protective equipment para sa mga health workers.  Nagbigay rion ito ng free shuttle service at free dormitories sa mga health workers na apektado ng Luzon-wide quarantine.

Mariin namang sinabi ni PACC commissioner, Greco Belgica, na ang naging pahayag ni Luna ay personal na opinyon at hindi posisyon ng ahensiya.

 

Read more...