Dingdong nag-offer ng trabaho para sa team bahay: Game ka ba?

DINGDONG DANTES

GUSTO mo bang magtrabaho habang naka-stay at home dulot ng patuloy na ipinatutupad na enhanced community quarantine?

May naisip na paraan ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para makatulong sa ilan nating mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown at gawin ding makabuluhan ang kanilang oras.

Sa latest Instagram post ng award-winning Kapuso actor, inimbitahan niya ang kanyang mga tagasuporta at social media followers na sumali sa adbokasiya ng YesPinoy Foundation kung saan siya ang chairman. 

Aniya, “Gusto mo ba ng trabaho habang naka-home quarantine? The YesPinoy Foundation supports the #SanaOL campaign of Jobstreet and Workabroad PH to provide livelihood opportunities to our kababayans amid the COVID-19 crisis.” 

Simula nang ipatupad ng gobyerno ang ECQ, maraming Pilipino ang pansamantalang nawalan ng pagkakakitaan kaya isa ang adbokasiyang ito sa naisip na solusyon si Dingdong para kahit paano’y makatulong sa kanilang kabuhayan.

Dagdag pa ni Dingdong, “May online jobs para sa freelancers, sa mga naghahanap ng alternative work, at sa K-12/ High School graduates.

“May home-based jobs din na ‘no experience needed’ at interview na pwedeng sa telepono lang.” 

Samantala, patuloy ang paghahatid ng good vibes at impormasyon ni Dingdong kasama ang buong cast ng Descendants of the Sun sa kanilang official Facebook page. 

Hinihikayat nila ang lahat na magbahagi ng tulong para sa ating mga kababayang nawalan ng hanapbuhay. Maaari mag-donate sa Kapuso Foundation. Bisitahin lang ang gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

Read more...