PNP nagpaliwanag sa mababang hazard pay ng pulis

KAUGNAY sa patuloy na pagdedeploy sa mga pulis sa mga checkpoint kontra COVID-19, inutos ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang mabilis na pagpapalabas ng P235 arawang hazard pay para sa mga miyembro nito.

Gayunpaman, napag-alaman na inalmahan ng ilang pulis ang halaga dahil wala pa ito umano sa kalahati nang ipinangako ng gobyerno na arawang P500.

Makikita ang pag-alma ng ilang alagad ng batas sa mga Facebook group, kung saan ikinumpara pa ito sa pagpapalabas ng buong P500 para sa mga frontliners ng Armed Forces at Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Brig. Gen. Marni Marcos, acting director for comptrollership ng PNP, mas maliit ang unang ipapalabas sa mga pulis dahil ito ay nakabase sa “available funds.”

“For now, the PNP is coordinating with the Department of Budget and Management for availability of additional funds to complete the amount of 500 pesos as its maximum pay for frontliners,” aniya.

Sa isang Facebook group, hinikayat ng ilang police official ang mga umaalamang kabaro na maging mahinahon, magtrabaho na lang muna, at huwag pera ang unahin sa isip.

Nagbabala naman si Banac na pananagutin ang mga magbabahagi ng di beripikadong impormasyon tungkol sa hazard pay.

Aniya, maging ang AFP at BJMP ay di pa nakapaglalabas ng final computation ng hazard pay para sa kanilang mga tauhan. 

Read more...