NAGAMIT ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ng isa nilang “fan” sa umano’y panloloko nito sa gitna ng dinaranas na health crisis sa bansa.
Binalaan ng Kapamilya couple ang madlang pipol na huwag magpapabiktima sa taong nanghihingi ng donasyon gamit ang kanilang pangalan.
Sa kanilang official Facebook account (The Crawfords), pinangalanan nina Billy at Coleen ang nasabing “fan” na nangongolekta ng pera mula sa kanyang mga mabibiktima na ipambibili raw ng surgical masks para sa frontliners.
Ipinost din ng mag-asawa sa FB ang screen shots ng nga direct message sa kanila ng mga taong umano’y na-scam ng fan. Isang biktima ang nagsabi kina Luis na nakapagbigay sila ng mahigit P250,000 para raw sa face at surgical masks.
Naniwala raw sila na totoo ang donation drive dahil nga ginamit ang mga litrato ng mag-asawang Billy at Coleen.
Narito ang ilang bahagi ng FB post ng showbiz couple: “We have been approached by some people regarding this subject, so we just want to clarify that, although we have met and spoken to her on several occasions in the past, we have NEVER PURCHASED ANY SURGICAL MASKS FROM HER.
“This is not the first time. We have been hearing similar complaints, and we really hoped that none of it was true.
“Prior to this lockdown period, we were also getting messages from people who were claiming that she tried to sell them designer items that they paid for but never received.
“We do not, and will never, tolerate scamming. We apologize if you placed your trust on her based on the photos that we have together. Please be vigilant and extra careful with who you trust.
“It’s one thing to take advantage of people, but to do so at such a vulnerable time is just completely disappointing,” pahayag pa nina Billy at Coleen.