Pagkalat ng COVID-19 dahil sa paggo-grocery hindi pa kumpirmado- Nograles

SINABI ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi pa kumpirmado ang ulat na dahil sa paggo-grocery kayat tumataas ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

“Wala pa po tayong advice tungkol diyan from the Department of Health, so habang wala pa iyong announcement ng DOH or ng IATF, hindi po conclusive iyong ganyang klaseng mga kumakalat,” sabi ni Nograles.

Ito’y matapos naman ang pagkalat sa social media na nagbabala sa publiko kaugnay ng mga bagong kaso ng COVID-19 na umano’y dahil sa pagpunta sa mga supermarket.

Idinagdag ni Nograles na desisyon ng mga supermarket kung ie-extend ang operasyon nila matapos na manawagan ang pamahalaan na gawing 12 oras ang operasyon kanilang pagbebenta sa publiko.

“That’s for the groceries ‘no,” sabi pa ni Nograles.,

Read more...