18 sunog noong April fools; taong bahay challenge inilunsad ng BFP

HINDI naging lokohan ang April Fools day ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region.

Ayon sa BFP-NCR nakapagtala ito sa unang araw ng Abril ng 18 insidente ng sunog.

Apat dito ang residential fire—sa Makati City, Caloocan City at dalawa sa Quezon City—sa Brgy. Doña Imelda at San Roque.

Nagkaroon din ng apat na grassfire, apat na electric pole fire at anim na rubbish fire.

Noong Abril 1 ay inilungsad din ni BFP-NCR ang Taong Bahay Challenge na naglalayong paigtingin ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

“The challenge aims to engage the public in productive activities like fireproofing their homes and self-care while on quarantine.”

Ang unang challenge ay “Gawing Fire-safe ang Inyong Bahay”. Hinihimok ang publiko na mag-post ng litrato o video ng mga ginawang hakbang para maiwasan ang sunog gaya ng pagpatay sa kandila bago matulog at pagsara ng LPG pagkatapos magluto, o pagtanggal sa saksakan ng mga appliances na hindi ginagamit.

Ang challenge ay tatagal ng isang buwan. Gamitin ang official hashtags na #TaongBahayChallenge,  #BahayMunaBuhayMuna, at

Read more...