KALOBOSO ang 32-anyos na lalaki na wanted sa tangkang pagpatay sa Quezon City kahapon.
Si Rolando Ruta, 32, walang trabaho, at ng Pook Libis, UP Campus, ay inaresto alas-3 ng hapon sa Pook Libis, UP Campus.
Si Ruta ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit Warrant and Subpoena Section.
Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Juris Dilinila-Callanta, ng Regional Trial Court Branch 85 ng Quezon City.
Inirekomenda ang P120,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
MOST READ
LATEST STORIES