Yeng gumawa ng kanta para sa frontliners: Nagdesisyon ako na itapon ang hiya...patawad po! | Bandera

Yeng gumawa ng kanta para sa frontliners: Nagdesisyon ako na itapon ang hiya…patawad po!

Ervin Santiago - April 02, 2020 - 10:04 PM

YENG CONSTANTINO

“GUSTUNG-GUSTO ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako.”

Ito ang inamin ni Yeng Constantino sa kanyang mensahe para sa mga doktor, nurse at lahat ng healthcare workers na ibinubuwis ang buhay para labanan ang coronavirus disease o COVID-19.

Ang inaalala ni Yeng ay ang kinasangkutan niyang “doctor shaming” issue noon laban sa isang female doctor nang maaksidente ang asawa niyang si Yan Asuncion sa Siargao, Surigao del Norte noong July 18, 2019.

Nag-sorry na ang singer-actress sa nangyari pero hindi ito tinanggap ng 

doktor at huli na nang malaman niyang idinemanda na pala siya nito kaya kinailangan niyang magpiyansa para hindi siya arestuhin.

At sa kabila nga nito, ibinalita ni Yeng sa madlang pipol na may sinulat siyang kanta para sa mga bagong bayani ng bansa na walang takot na nakikipaglaban para mailigtas ang lahat ng dinapuan ng killer virus.

May titulong “Kumapit”, kinanta ito ni Yeng at ipinost ang video sa kanyang Instagram. Nabuo niya ang kanta matapos makarating sa kanya ang balitang pinanghihinaan na umano ng loob ang mga Pinoy medical workers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Narito ang ilang bahagi ng mensahe ni Yeng: “Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sa inyo.

“Dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals,” aniya.

“Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year,” bahagi ng caption ni Yeng.

 “Pero ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po.

“Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong. Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito. Maraming maraming salamat po.”

Patuloy pa ni Yeng, “Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin.

“Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob.

“Maraming salamat po! Saludo po kami sa inyong sakripisyo.

“Wag po kayo bumitaw. Kailangan po namin kayo.

“Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Babangon muli ang Pinas! Kaya natin to. Kasama natin ang Panginoon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending