Death toll sa COVID-19 mahigit 100 na; kaso umabot na sa 2,366

UMABOT na sa mahigit 100 ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease, samantalang 2,633 kabuuang kaso na ng COVID-19 ang naitala.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na 107 katao na ang namamatay dahil sa COVID-19.

Idinagdag ni Health Secretary  Francisco Duque na lumagpas sa 100 ang mga nasawi matapos makapagtala ng 11 bagong kaso ng mga pumanaw.

Samantala, 322 pa ang tinamaan ng COVID-19, dahilan para umakyat ang mga kabuuang kaso ng deadly virus sa 2,633.

Idinagdag ni Duque na umabot naman sa 1,265 persons under investigation (PUIs) ang nagnegatibo sa COVID-19.

Samantala, isa lamang ang nadagdag sa listahan ng mga gumaling, dahilan para umabot na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 51.

Read more...