PARA matahimik na ang kalooban ng bashers na kumukuwestiyon sa mahigit P3 million na nalikom mula sa kanyang online fundraising campaign, idinetalye ni Bela Padilla kung saan ito napunta.
Unang linggo pa lang ng enhanced community quarantine ay nanghingi na ng donasyon ang aktres para ipambili ng mga pagkain na ipamamahagi sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 crisis.
Makalipas ang ilang araw, ibinalita ni Bela na umabot sa P3.3 million ang nakolekta nilang donasyon na ginamit agad sa pamimigay ng food packs sa mga “homeless, street vendors, elderly, persons with disability, children, commuters, Caritas Manila as well as jeepney, pedicab and tricycle drivers around Metro Manila areas.”
Pero sa kabila ng ginawang effort ng dalaga, may mga nam-bash pa sa kanya at nagduda. Isang netizen ang nagkomento sa Instagram post niya ng, “Ano na kaya nangyari sa 3M donation [thinking face emoji]?”
Reply sa kanya ni Bela, “Everything was already donated and distributed. Please check my highlights for reference.”
“3M na yun? Hahahaha!” hirit uli ng netizen na sinagot ni Bela ng, “Yup [smiley] last donations went out last Friday. [OK hand sign emoji].”
Pero mukhang ayaw pa rin siyang tantanan ng mga haters kaya muli siyang nag-explain sa pamamagitan ng Instagram para sa lahat ng mga hindi pa rin kumbinsido sa nauna niyang paliwanag.
“The donations from the gogetfunding were P1.37M. The P2M donated by ONE PERSON hasn’t arrived yet. But the food I bought for the two days of donations was worth around P2.5M,” simulang pahayag ni Bela.
“Also, the P1.3M hasn’t been released by PayPal yet. So right now, it’s all my money that went out,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Another P1M worth of groceries and other goods were split into two groups. The first was delivered to persons with disabilities (PWDs) of Quezon City by her friends who volunteered, while the second was delivered by her, along with the members of the Philippine Army, on the streets of Pasay, Manila, and Makati.
“Additional rice and canned goods worth P500,000 were donated to Caritas Manila last Friday.
“When the P2 million comes in finally, hopefully next week, I will take my P1 million back and use P1 million for one more food drive.”
“I’ve already noted suggestions for where I can allocate the remaining funds,” aniya pa.