BUMABA ang bilang ng naitalang sunog sa National Capital Region noong Marso, ang Fire Prevention Month.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-NCR, nakapagtala ng 435 sunog sa buwan ng Marso.
Mas mababa ito ng 22.05 porsyento sa 558 insidente na naitala noong Marso 2019, ayon sa Regional Intelligence and Investigation Section.
“BFP NCR aims for a steady decline, with its continuing fire safety campaign on wheels, dubbed as “OPLAN Ligtas na Pamayanan on the Road.”
Tanging ang munisipyo ng Pateros umano ang walang naitalang sunog sa buwan ng Marso.
Ang BFP Pateros ay nauna ng kinilala sa OPLAN Iwas Paputok program nito ng walang naitalang sunog mula Disyembre 23-26, 2019, Disyembre 30, 2019-Enero 2, 2020 at walang naitalang sunog sa buwan ng Enero at Pebrero 2020.