4 na Pinoy sa America patay sa COVID-19

APAT na Pinoy  ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa New York at New Jersey sa America.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Consulate General  Claro Cristobal ng  New York.

“Dito po sa New York at New Jersey, apat na po ‘yung kababayan natin na nasawi dahil sa COVID-19,” ani Cristobal.

Nabatid  sa naturang opisyal, na nasa 143,000  bilang ng Pinoy sa  New York at  170,000, na karamihan ay mga  immigrant.

“Nakakatanggap na tayo ng mga balita na ilan sa mga kababayan natin ang nasawi sa sakit na ito at ilang mga kababayan natin ang nasa ospital ngayon at inilalaban ang kanilang buhay,” ayon kay Cristobal.

Read more...